Info Graph na Makikita sa Kasamaang
Naidudulot ng Paninigarilyo, Epektibo ba?
Larawan ng info graph na makikita sa
sigarilyo.
Dahon
ng Pagpapatibay
Bilang
pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2 Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Info
Graph na makikita sa Kasamaang Naidudulot ng Sigarilyo, Epektibo ba?”. Inihanda
at iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino 2 na
si (Guro sa Filipino 2) ng mananaliksik na nagmula sa iba’t-ibang
departamento, ng University of the Visayas.
Ang
mga datos na napakaloob sa pananaliksikna ito ay sinaliksik, inayos at inihanda
ng mga mananaliksik na nasa iba’t-ibang departamento ng kolehiyo.
Tinanggap
bilang proyekto sa Filipino 2 na isa sa mga pangangailangan na nabanggit sa
asignatura ni (Guro sa Filipino 2) .
______________________________
(Guro sa Filipino 2)
PAGPAPASALAMAT
Buong puso naming pinasasalamatan ang
mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang
suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel naito:
-kay (Guro sa Filipino 2), an gaming
minamahal na guro sa Filipino 2, sa paggabay sa bawat hakbang ng aming
pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda at mailathala an gaming papel,
-sa mga awtor, editor at mananaliksik
na aking pinaghanguan ng mahahalagang impormasyon sa mga kabanata sa papel na
ito,
-sa mga responsente, sa makatotohanang
pagsagot, at pagpapakita ng kabutihan na lubos na nakatulong sa amin,
-sa Diyos Amang Makapangyarihan, na
kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami maliliwanagan at hindi naming magagawa
ang tamang mga hakbang upang matapos an gaming pinaghirapang trabaho,
-sa
aming mga mahal na magulang, sa walang
sawang sumuporta sa amin sa pang-araw-araw naming pangangailangan.
Muli maraming salamat po sa iyong
lahat.
Mga Mananaliksik
Talaan
ng mga Nilalaman
KABANATA PAHINA
I. Suliranin at Kapaligiran Nito
Introduksyon 1-2
Mga Layunin 3
Kahalagahan ng Paksa 4-5
II. Mga Kaugnay na Pag-aaral
o Literatura
Mga kaugnay sa pag-aaral 6-9
Katuturan ng mga salita 9-11
III. Disenyo at Paraan ng pananaliksik
Disenyo sa pananaliksik 12
Mga Respondente 12
Mga Instrumenton Pampananaliksik 12
Tritment ng mga Datos 13
IV. Presentasyon at Interpretasyon ng
datos
Presentasyon at Interpretasyon ng
datos 14-19
Mga Survey Questionnaire 20-40
V. Konklusyon, Rekomendasyon,Reperensya
at Dokumentasyon
Konklusyon 41
Rekomendasyon 42
Reperensya 43
Dokumentasyon 44-46
1
KABANATA
I
Suliranin
at Kapaligiran Nito
1.1. Introduksyon
Noong unang panahon pa lamang, laganap
na sa maraming parte ng mundo ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa
Wikipedia, ay isinasagawa ng mga tribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo
sa mundo ng espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang pagpapaalis ng masasamang
espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ngpanahon, naging isa
na ito sa mga kinagigiliwang uso.
Nagsimula ito sa rehiyon ng Central
America noong 6000 BC. Nang lumipas ang 5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang
sibilisasyon ng mga Mayanna magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng
tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mga halamang medicinal, upang
ipanggamot sa mga may sakit at sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang parte
ng mundo,nagdala sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang lumipas ang mgataon,
ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake, aynaisipang gumawa
ng planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera. Naging popyular ang
paninigarilyo ng tabako sa Espanya.
2
Ang paninigarilyo ay isang Gawain na
kung saan sinusunog angsangkap, karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel
sabay sa paghihit ng usok na inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online, ang
stick ng sigarilyo aybinubuo ng halos 4,000 kemikal na maraming epekto sa
katawan at pag-iisipng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone,
chloroform, atbp.Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisp ang
ibang tao ngmga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo.
3
1.2.
Mga Layunin
Ang
pag-aaral naglalayon na linangin ang kaisipan ng mga kabataan tungkol sa
“infograph” na kinamumulingan ng mga kabataan ngayon sa ating bansa. Itinalakay
rin itto ang mga problema, dahilan at epektibong solusyon sa mga suliranin na
tungkol sa infograph. Ang impormasyon g makukuha at tumutukoy sa mga kabataan
ngayon upang malayo sa bisyong kinamumulingan nila ngayon. Ang mabigyan ng
aksyon ang problema ng ating kumunidad ngayon at isa sa layunin ng pananliksik
na ito at para malaman ang punot dulo ng poblemang ito. Kaugnayan nito, inaalam
ng pananaliksik na ito kung ano ang magiging kaugnayan ng mga problemang ito
kung hindi agad ma solusyonan. Magiging mahirap ito sa pamumuno ng paaralan
kung patatagalin pa nila ang pagresoba sa problema ukol sa paninigarilyo ng
kabataan ngayon.
·
Alain
kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isang mag-aaral na
naninigarilyo;
·
Tukuyin
ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mga naninigarilyo;
·
Malaman
ang mga dahilan ng kahalagahan sa paggamit ng infograph;
4
1.3.
Kahalagahan ng Paksa
Mahalagang
mabigyang aksyon ang problema tungkol sa “infograph”. Marami na kasi ang
kabataang nalulung itto at nasisira na ang kalusugan ng kabataan dahil sa
sigarilyo. Kung hindi kasi ito masolusyonan kaagad, may posibilidad na maisip
ng kabataan na tama ang kanilang ginagawa dahil sa walang ginagawang solusyon
ang pamahalaan sa ating bansa.
Sa
mga Mag-aaral:
Ito
ay naglalayon na linangin ang kaisipan ng pamumunuan tungkol sa
kinahuhumalingan ng kabataan ngayon. Itatalakay rin itto ang problema, dahilan
at epektibong suliranin ng komyunidad ngayon. Ang impormasyong makukuha ay
tumutukoy upang ang isang epektibong solusyon at impormasyon upang maimulat ang
kaisipan ng kabataan ngayon tungkol sa infograph.
Sa
mga Guro:
Upang
pamulatin ang pagiisip ng mga kabataan sa murang edad pa lamang ay nalulung na
sa bisyo sa paninigarilyo
5
Sa
Admininstrasyon ng Paaralan:
Upang
mataguyod at magabayan ng maayos ang mga mag-aaral at mga guro sa pamamagitan
ng paglawak g kaalaman.
Sa
Komunidad:
Mahalagang malaman ng komunidad ang
epektibong solusyon ukol sa suliranin
ngayon. Dahil sa unti-unting dumarami ang nahuhumaling sa sigarilyo. At ito ay
nakakasira sa kaisipan at kalusugan ng mga tao ngayon.
Sa mga Magulang:
Mahalagang maaksyunan ang suliranin na
ito upang mailayo ang mga kabataan sa paninigarilyo. Upang hindi mas lalong
malulung sa bisyo ang kanilang anak at maitaguyod ito sa maayos na paraan.
6
KABANATA
II
Mga
Kaugnay na Pag-aaral o Literatura
Sa Info Graph ay makikita natin ang kasamaang maidudulot ng
paninigarilyo. Kung saan isa ito sa mga suliraning panlipunan na kinaharap ng
ating bansa dahil marami sa ating mga kababayan ang nalulong sa bisyong ito.
Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang gumagamit ng sigarilyo at ang
pangunahing dahilan nito ay napabayaan at hindi nagabayan ng maayos ng
kani-kanilang mga magulang. Isa pang
dahilan nito ay ang impluwensya sa barkada at kapaligiran, ang iba rin
ay natuto mismo sa kanilang magulang lalo na’t ito ang makikita nila sa
araw-araw.
Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang
ng kabataang Pilipino, particular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang nasa
bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 asian
teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa
tobacco at walang humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan,
isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil dito.
Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa
mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga
7
kabataan, lalo na sa Pilipinas.
Nalagdaan na ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Tobacco Regulation
Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa
masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang
paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital,
terminal, restawran at iba pa. Bawal na itong ipagbili sa mga menor de edad.
Kinakailangan na ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na lagyan ng health
warning o info graph ang harapan ng kaha ng sigarilyo. Ipinagbabawal na rin
simula 2007 ang mga patalastas ng mga sigarilyo sa iba’t ibang uri ng media.
Ayon sa Malacañang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na tumupad
sa panawagan ng World Health Organization na iwasto ng mga bansa ang paggamit
ng mga produktong may nikotina. Ayon kay Dr. Lain ng DOH, ang paninigarilyo ay
nakapagpapasaya sa isang tao. Ito ang lumalabas na resulta nang pag-aaral na
isinagawa ng Peninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil
sa kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilang
pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng mababang
antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo.
Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaring magdulot ng pagtaas ng
presyon ng dugo, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris,
pantog, katarata, pagkabulag, low birth weigh at birth defects ng mga sanggol
sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na
dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan.
Ang tar at carbon monoxide na
8
nasa usok ng sigarilyo ay nakakairita
at sumisira sa mga baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang
pangangati ng lalamunan ay kalaunang magiging ubo at kapag nagtagal ay
magdudulot ito ng paparaming plema. Kung itinuloy pa rin ang paninigarilyo,
maaring magkaroon ng sipon, trangkaso, bronchitis, sakit sa baga, puso at iba
pang malalang sakit. Sa kalaunan ay maari pang magkaroon ng emphysema ang isang
taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mga baga.
Habang lumalala ang sakit ay mahihirapan na ito sa paghinga at maging sa
paglakad.
May apat na milyong kabataang Pilipino sa pagitan ng edad na 11 hanngang
19 ang naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng Kagawaran ng
Kalusugan (DOH) at World Health Organization (WHO). Batay sa pag-aaral na
pinamagatang ‘’Global Youth Tobacco Survey’’, mahigit 60 porsyento o 2.7 milyon
mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo ay pawing mga lalaki samantalang
1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sa pag-aaral na 8 mula sa 10 ang
nakikitang mga patalastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala
si Dr. Maricar Limpin, executive director ng Framework on Tobacco Control of
the Phiippines Alliance, na patuloy na darami ang mga kabataang naninigarilyo
hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalastas sa paggamit ng tabako. Ayon kay Dr.
Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng 17 hanggang 18 porsyento ang
bilang ng mga kabataang naninigarilyo samantalang umakyat ang bilang sa 23
porsyento noong 2007.
Ang paninigarilyo ay isang libangan ng mga tao kahit alam nila na ito ay
makakasama sa kalusugan. Maaaring magdudulot ito ng mga sakit gaya ng throat,
lung
9
at mouth cancer, heart disease,
tuberculosis, pheumonia at iba pa. Ang mga ganyang sakit ay maaaring ikamamatay
ito. Kaya nagpasya ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) na bawat pakete ng
sigarilyo ay lalagyan ng mga larawan ng sakit na maaaring maidudulot sa iyong
kalusugan at magsilbing paalala para sa lahat ng maninigarilyo.
Ayon sa tagapagpanayam na si Mel Tiangko ng GMA 7 magmula noong 2016 ay
pagmumultahin ng di-bababa sa isang libong piso ang mga magtitinda ng sigarilyo
na walang Graphic Health Warning sa mga pakete ng sigarilyo pwede rin silang
makulong ng hanggang isang taon. Ayon rin sa mga nagtitinda ng sigarilyo ay
epektibo raw ang paglagay ng Graphic Warning nito dahil bumaba na ang bilang ng
mga bumibili nito.
VI.
Katuturan ng mga Salita:
Info
graph sigarilyo – ito
ang nagtataglay na babala na kung saan makikita ang mga larawan ng mga sait na
madudulot ng paninigarilyo.
Sigarilyo – naglalaman ito ng 14 na
kemikal na nakaka-kanser. Ang usok nito ay naglalaman ng mahigit sa 4,000
kemikal na pimipinsala sa kalusugan at kapaligiran. Ang nikoting laman ng sigarilyo
ay sanhi ng pagka-adik dito. Ang usk ng sigarilyo ay maytoong carbon onoxide na
siya ring ibinubuga ng mga tambutso ng sasakyan. Ang tar ay nagpapadilaw ng
ngipin at daliri. Ayon sa World health Organization, mahigit kalahati
10
sa kabuuang bilang ng kabataang
Pilipino, particular na iyong nasa edad 7 hanggang 15 ang gunom na sa bisyo ng
paninigarilyo.
Isyu
– isang mahalagang
paksa o problema para sa debate o talakayan.
Pagresolba – ito ay ang paglutas ng problema sa
paksa.
Pheumonia
– uri ng sakit na
makuha tuwing ikay maninigarilyo.
Department
of Health - ito ang nagpapatupad ng info graph para sa
kaligtasan ng lahat.
Cyanide – ang usok ng sigarilyo ay may
Cyanide (sangkap ng kemikal wepon).
Kalidad – ang pamantayan ng isang bagay
bilang sinusukat laban sa iba pang mga bagay ng isang katulad na uri ang antas
ng kahusayan ng isang bilang.
Nekotin – ay isang alkaloid na matatagpuan sa
nightshade plants partikular sa tabako plant na tinatawag ding Nicotiana
tabacum. Ang ibang nighshade plants, gaya ng patatas, kamatis at talong ay
mayroon ding nicotine ngunit mas mahaba ang kanilang nicotine content kung
ihahambing sa tabako. Ang nicotine matatagpuan sa sigarilyo at iba pang
produktong tabako. Ang bawat piraso ng sigarilyo at tinatayang 1mg nicotine. Ang
nicotine ay ipingalan ky Jean Nicot De Villemain siya ay isang French
Ambassador
11
sa Portugal at nakadiskubre ng
medicinal qualities ng tobacco plant noong 1560. Nang taong din iyon, nagpadala
siya ng tobacco plant sa Reyna ng France na si Catherine de medici.
Pinangalanan ng reyna ang tobacco plant na “Herba Regina” o herb ng reyna.
Tobako – ay isang agrikultura na produkto na
hinahango mula sa mga sariwang dahon ng
mga halaman na napapabilang sa sailing nicotiana. Maari itong kainin,
gamitin bilang organikong pamuksa ng peste at bilang sangkap sa gamot kung
gagamitin sa pormang tartrate. Ang pagkonsumo nito ay sa pamamagitan ng
pagkonsumo na maaring sa anyo ng paninigarilyo, pagnguya,pag-snuff, pagsawsaw
ng tabako, o snus. Ang tabako ay matagal nang ginagamit na entheogen sa mga
Amerika. Subalit sa pagdating ng mga taga Europa sa hilagang Amerika ito ay
naging gamit pangkalakal at panlibang na gamot.
12
KABANATA
III
Disenyo
at Paraan na pananaliksik
3.1. DISENYO
NG PANANALIKSIK
Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit
ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong
pananaliksik,ngunit napili namin na gamitin ang Descriptive Survey Research
Design, na gumagamit ng palatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng
mga datos. Naniniwala kami na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito ,sapagkat
mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.
3.2. MGA RESPONDENTE
Ang mga respondente sa pag-aaral na
ito ay ang mga taong naninigarilyo o mga smokers na aming mga kakilala. Pinili
namin ang mga respondente sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at sila ang
pinaka-epektibong mapagkukunan ng impormasyon.
3.3.
MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa
pamamagitan ng Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan
(survey questionnaire) para makalikom ng mga datos upang malaman ang mgaopinyon
ng mga respondent. Kumuha rin kami ng impormasyon sa mga artikulo sa dyaryo at
sa internet.
13
3.4.
TRITMENT NG MGA DATOS
Ang papel na ito ay isang panimulang
pag-aaral kaya’t wala kaming ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa
pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatikal
napamamaraan. Opinyon o damdamin lamang ng mga respondentengtumugon sa bawat
katanungan sa survey questionnaire
14
KABANATA
IV
Presentasyon
at Interpretasyon ng Datos
Grap
1. Ipinapakita na mas maramimi ang gumagamit ng sigarilyo .
Batay
sa dalawampung taong nakapanayam ng mga mananaliksik, pitumput-limang bahagdan
o 75% ang nasasabing gumagamit ng sigarilyo. Dalawamput-limang bahagdan ang
nagsasabing hindi sila gumagamit ng sigarilyo.
Ibig
sabihin ng grap na ito nagpapakita na mas maraming gumagamit ng sigarilyo sa
panahon ngayon dahil na nga sa bata pa sila ay nagsimula ng gumamit ng
sigarilyo.
15
Grap 2. Ipinapakita na mas maraming may alam
na maroon epekto ang paninigarilyo
sa kanilang kalusugan
Batay
sa dalawampung taong nakapanayam ng mga mananaliksik, walumput-limang bahagdan
ang nagsasabing alam nilang may epekto ag paninigarilyo sa kanilang kalusugan.
Labing-limang bahagdan ang nagsasabing hindi alam na may epekto ang
paninigarilyo sa kanilang kalusugan.
16
Grap 3. Ipinapakita dito na mas
maraming nagsasabing may naoobserbahan sila
sa kanilang kalusugan na dulot ng paninigarilyo.
Ayon sa grap, may pitumput-dalawang o
72% bahagdan na nakapanayam ng mga mananaliksik na nagsasabing may epekto ang
paninigarilyo sa kanilang kalusugan. Dalawamput-walong bahagdan o 28% ang
nagsasabing wla itong epekto sa kanilang kalusugan.
17
Grap 4. Ipinapakita nito na mas nakatutulong ang info
graph para mahinto ang para mahinto ang paninigarilyo.
Batay sa aming nakapanayam, may walompung
bahagdan o 80% ang nagsasabing mas ang nakatutulong info graph sa paghinto ng paninigarilyo.
Samantalang dalawampung bahagdan o 80% naman ang nagsasabing hindi ito
nakakatulong sa paghinto ng paninigarilyo.
Ibig sabihin nito na mas nakatutulong
talaga ang paglalagay ng info graph na epekto ng paninigarilyo sa paketi ng
sigarilyo.
18
Grap 5. Ipinapakita nito na halos parihas ang bahagdan na
nagsasabing dapat may disiplina sa sarili at may pinagkakaabalahan upang
maiwasan ang paninigarilyo.
Apat
napu’t tatlong bahagdan ng mga respondente ang nagsabing disiplina sa sarili
lamang ang kanilang solusyon upang maiwasan ang paninigarilyo. Ang
pinagkakaabalahan naman ang sumunod na nsagot ng apat nap’t dalawa bahagdan ng
mga respondent na siya nilang ginagawa upang maiwasan ang pagyoyosi o
paninigarilyo. Samantalang labing-limang bahagdan lamang ang nagsasabing
Gawaing pangkalakasan ang kanilang ginagawa upang makaiwas. Ang taong may
disiplina sa sarili ay pinipigilan ang mga hindi dapat gawin dahil alam nilang
hindi ito maganda
19
IBA’T-IBANG DAHILAN KUNG BAKIT
MAKAKAIWAS SAPANINIGARILYO ANG KANILANG NAPILING GAWAIN:
➢Naaalis
ang pagkanegatibo
➢Pang-agaw
pansin
➢Nagiging
masaya
➢Nakakalimutan
ang problema
➢Gumagaan
ang pakiramdam
➢Makakabuti
sa kalusugan
May mga nagsasabi na baka raw tumaba
sila kapag itinigil angpaninigarilyo. Subukang bawasan ang intake ng mga fatty
foods kapag itnigilna ang paninigarilyo. Huwag hayaang ang inyong paninigarilyo
ay mapalitanng panibagong bisyo. Kung kayo gustUng-gusto kumain nang matatamis,
mas mabuting kumain ng prutas.Hindi pa huli para itigil ang bisyong sigarilyo.
Kapag ginawa ninyo itongayon, natitiyak ko na malaki ang inyong mapapakinabang
bukas. Hindi lamang kayo ang makikinabang kundi pati ang pamilya. Alalahanin
angpinsalang dinudulot ng paninigarilyo sa katawan.
20
KABANATA
V
Konklusyon,
Rekomendasyon, Reperensya at Dokumentasyon
5.1.
Kunklusyon
Napagpasyahan
ng mga mananaliksik batay sa aming pananaliksik na ang info graph na makikita
sa pakiti ng sigarilyo sa pagkakataon na ito ay epektibo. Dahil maraming mga
tao ang hindi na naninigarilyo dahil sa “info graph” na nilagay sa pakiti .
Kaya dapat nating isa isip at bigyang aksyon lalong lalo na ang mga kabataang
gumagamit ng sigarilyo. Ang ganitong sistema ng pamamaraan ay nararapat lang
lagyan ang mga pakiti para maiwasan at hindi mangyayari ang mga sakit na
maidudulot nito at hindi makasira ng kalusugan ng isang tao.
Gayon paman ang paglalagay ng Global
Health Warning na itinutupad ng Department of Health (DOH) ay maraming sangayon
sa kanilang ginagawa. Sa dakong huli , kaylangang pangangalagaan at gawing
aksyon ang mga taong hindi parin tumitigil sa paninigarilyo para lang sa
kanilang mabuting pangangatawan.
21
5.2. Rekomendasyon
Nirerekumenda
ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na magkaroon ng isang epektibong
proseso para sa mga problemang pangyayaring ito ng ating bansa upang mas
mapalawak pa ang mga kalusugan at kaisipan ng mga tao tungkol na rin sa
problemang paninigarilyo na nararanasan ng ating bansa.
22
5.3 Reperensya
A.
Internet
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211
B.
Telebisyon
Abs-Cbn
GMA 7
C.
Diksyonaryo
Merriam Webster
No comments:
Post a Comment